Wednesday, August 12, 2009

Kamote ni Ate Imelda

2007. Career change-- mula sa pag-aasam na maging restaurateur o hotelier, ayon at nauwi ako sa pagiging guro.

Sa bagong trabaho, marami akong naging ka-close- mga guro, ang nars, ang mga guard, sina kuya at ate. Pero among them, kay Ate Imelda ako naging sobrang malapit. Halos araw-araw kaming sabay mag-almusal (yun ay kung may baon siyang pandesal o di kaya'y hindi na-late dahil malayo ang nilakad para makatipid ng pamasahe). Habang naghuhugas ng mga platong hindi naman siya ang gumamit, tuloy lang siya sa pagkwento ng adventures niya bilang ina/biyuda. Madalas, installment ang kwento kasi kelangan pa niyang bisitahin yung mga "opisina" niyang maya-maya'y mapanghi.

6 na buwan mula nang magkakilala kami, napatunayan kong isa siyang kaibigan. Pagbalik ko mula sa aking birthday vacay, ayaw niya akong paalisin. Hintayin ko raw siya after 4 pm (official time out niya) pero madami pang pinabili sa kanyang mga merienda kaya natagalan sa pagbalik. Mag aalas singko na noong siya'y nakabalik. Inabot niya yung plastic na may isang stick ng kamote cue sabay sabi, "Pasensya na, sir, ah. Happy Birthday!"



Ikaw, willing ka bang maglakad nang malayo para may pambili ng regalo ko?

HIrap magsulat at magbasa si Ate Imelda. Sinubukan niyang aralin pero inihinto rin niya. Malamang na-frustrate kasi alam niyang kailangan niyang matutunan pero sadyang mahirap talaga para sa kanya. Kaya, hanggat malakas siya, nagbabanat siya ng buto para di daw matulad sa kanya ang mga anak at mapagtapos ang mga ito-- mga anak na malambing, pasaway, at dependent pero, gayunpaman, lahat sila mahal niya. Iginapang niya ang pambaon ng mga anak at pambinyag ng unang apo. Mula Lunes hanggang Sabado, umaga hanggang hapon, naglilinis, inuutusan sa eskwela. Sa gabi, siya nama'y nanay at lola. Minsan kahit Linggo rumaraket maglinis ng bahay o maglaba sa mga kakilala. Parang si Curacha, walang pahinga.

In a different twist of fate, nagkapalit kami ng kalagayan. Ako ang naiwan. Siya ang umalis. Pahinga muna si ate. Pahinga na rin ang uniform at ang pudpod niyang mga sapatos. Instead na pwet ng mga preschool students ang huhugasan niya, pwet na ng apo niya ang alaga. Pahinga na rin kami sa pagpapalitan ng dinadala at ng mga encouraging na mga ngiti (smile pa rin si ate kahit nalilimutan niya minsang isuot ang pustiso).

Nadama ko ang lungkot at takot niya noong ako'y umalis. Nadama ko ang tuwa niya nang malamang ako'y nagbalik. Ngayon, sana ma-feel din niya ang lungkot at takot ko sa pag-alis niya. Dasal ko na huwag siyang pabayaan ng Maykapal, na may sapat silang pagkain sa araw-araw, at na mas lalo niyang makilala ang kabutihan ng Diyos sa kabila ng lahat ng hirap na dinanas at dinaranas niya.

I will miss her initiative to lend a hand. I will miss the wisdom in her stories. I will miss her successful attempts at conversing in English and the not-so successful attempts at speaking in Mandarin. I will miss the comfort that she alone can give whenever I feel like an outsider... I will miss my number one fan. I will miss her pagka mali-mali.

I am missing her and old friends who took the road and never looked back. Perhaps, a reunion is timely and needed to pacify me.